Naranasan niyo na ba kumain ng sandamakmak na “fast-food” like fries or ice-cream, pero tila, hindi kayo mabusog busog?
Yan ay dahil sa CALORIC DENSITY ng mga pagkain na ito.
Ano ba ang CALORIE DENSITY? Calorie density is a measure of the calorie content of food relative to its weight or volume. It is also called energy density and is usually measured as calories per 3.5 ounces (100 grams) of food.(https://www.healthline.com/nutrition/calorie-density).
Makikita sa graph sa ibaba na pare-pareho lang naman sila ng calories ngunit, ang pinaka-filling sa lahat eh ang nasa kanan (which is rich in whole plant food). Kaya lagi kong sinasabi sa aking mga patients na gusto magbawas ng timbang, eh huwag ma conscious sa pagkain ng gulay, gawin UNLI GULAY!!!
So anong significance neto? Low calorie densed food like that of fruits and vegetables, can help you lose weight and improve your diet. Ang mga pagkaing eto ay rich in fiber, water and insoluble starches kaya feeling full po kagad kahit na mas mababa ang calories neto. Kaya ang pagkain ng gulay ay “cornerstone”para makamit ang healthy body weight. Malimit ang mga fastfood at processed na food ay high calorie densed kaya may tendency po talaga tayong mag overeat dahil ,kagaya ng graph sa baba, mas madame ang kailangang amount para ma signal sa ating brain na busog na tayo.
Kaya, kapag ikaw ay nagpaplanong magbawas ng timbang, damihan ang mga low calorie densed food like fruits and vegetables sa inyong dyeta upang siguradong healthy ang pangangatawan.
*For online diet counseling, do not hesitate to direct message us here —>
consultant@thehealthyprojectbychefmd.com
consultant@thehealthyprojectbychefmd.com
