Mahalaga ngayong pandemic na malakas ang ating katawan para pang depensa sa ating matinding kalaban na Covid-19 virus.
Pero, meron nga bang tinatawag na IMMUNE BOOSTING DIET?
Ang ating immune system ay “complex” at maraming mga factors na nakaka ganda or pwede ring makasama hindi lamang and diet ang sole factor para dito.
Ano-ano ba ang mga factors na ito? Eto ay mga sumusunod:
1. Balanced diet rich in vitamins and minerals
2. Healthy lifestyle like adequate sleep and exercise
3. Low stress
Etong tatlong mga bagay na ito, kapag napunan natin at tiyak namang makakatulong satin sa paglaban sa impeksyon at sakit. May mga specific nutrients na may direktang contribusyon sa ating immunity- vitamin C, vitamin D, zinc, vitamin A, Vitamin B6, and Vitamin E. Ngunit kung isa isahin ko ang mga sources ng nutrients na ito, hindi po kasya ang isang post dahil napakadame namang pagkain na pwedeng banggitin.
So ano po ba ang dapat nating gawin? Ang pagkain ng balanse at ibat ibang klase ng pagkain na mayaman sa whole grains, mga prutas at gulay ay tiyak mapupunan na ang mga nutrient needs na ito. Hindi kailangan mahal na mga prutas at gulay. May mga indigenous food tayo na readily available at napaka mura or even libre. Mga malunggay, kalabasa, talong, sitaw… kumanta ka ng bahay kubo, andun na lahat!
Naiintidihan na lahat gusto instant dahil sa mabilis na pacing ng mundo ngayon pero, gusto niyo po bang instant din ang buhay? pagdating sa pagkain at sarili, wag naman gawing instant. Instead of fast food, slow food. Instead of instant, should be readily available sa bakuran; from farm to table na konsepto. Make time to exercise at mahalaga po talaga ang tulog (at least 7hrs for adults). Of course we need to be hygienic at this time of pandemic (hand washing is important). And try to manage stress. Hindi madali mabago ang nakagisnan na lifestyle but, if you put your mind into it and you have the support you need from your family and friends, definitely, maganda ang magiging outcome
